Planong pagpapabagsak sa pangulo o "Red October" - Ating Alamin - Mike Opinion







Ayon sa pahayag ng pangulo, plano daw di umano na pabagsakin sya ng pinaghalong pwersa ng mga rebeldeng NPA at ng Liberal Party.
At hindi daw biro ang paghahanda ng Malacañang at ng militar sa planong kudeta ng mga kritiko ng pangulo.
Ayon naman kay dating Chief Justice Sereno, never daw silang nag-usap tungkol sa pagpapabagsak sa pangulo.
Sinabi naman ng dating pangulong Noynoy Aquino, imposible namang manguna ang NPA sa planong pagpapabagsak sa presidente sapagkat magmula pa noong panahon ng kanyang ina ay humina na ang pwersa ng mga rebelde.
Kung tatanungin naman si senador Trillanes, ang pinakamatinding kritiko ng pangulo sa kasalukuyan, imposible at kailan-may hindi maaring makipagsabwatan ang Magdalo Party sa CPP-NPA sapagkat magkaaway ang dalawang panig na ito.
Sabi naman ni Lacson, kung totoong may planong kudeta, dapat itong seryosohin ng palasyo at kaaikabat nito ay ang responsibilidad ng gumawa ng intel report na magbigay ng ebidensya
Ayon naman sa mga supporters ng pangulo, itong mga dilawan daw ay salot sa lipunan, wala na daw silang ginawa kundi siraan ang pangulo nila.
Kung ang taong bayan naman ang tatanungin, marami sa kanila ang walang paki-alam; mas itutuon na lang daw nila ang atensyon kung paano makaka-survive ang maliit nilang sweldo laban sa mataas na bilihin.
Kung ang mga Dilawan naman ang tatanungin, sana daw may matibay na ebidensyang ilabas ang pangulo patungkol sa akusasyon nito sa mga kritiko.
Kung ang mga tambay naman ang tatanungin mo, wala daw silang paki-alam kasi di naman naubos yung piangbibilhan nila (Hehehe)
Kung ako naman ang tatanungin, sana maging patas sa pamamahayag. Madali silang magparatang ng mga bagay bagay sa mga kalaban pero mas nahihirapan yata sila umimbento ng ebidensya. Ilang beses na nga ba tayo nakarinig ng bintang na hanggang ngayon ay wala pa ding pagpapatunay? At hanggang kailan nga ba tayo mag-eenjoy sa pakikinig ng mga paratang na after 3 day, sasabihing "joke joke lang yun, masyado kayong seryoso mga buang! hindi na ba tayo pwedeng mag biro?"

*Purely Opinion lang po, ang tamaan - sapul! 




See All Comments Here









Article Author: Mike Opinion
Date Published: September 28, 2018
Last Update:

Post your own article. Its Free and no Registration required





Help Us Grow by Sharing This Page