Paano Kung Ngayon Nabuhay Si Dr. Jose Rizal?

By: Josh Salcedo



Paano Kung Ngayon Nabuhay Si Dr. Jose Rizal?

Paano Kung Ngayon Nabuhay Si Dr. Jose Rizal?



“Paano kung ngayon nabuhay si Jose Rizal?” Iyan ang isang tanong na sumagi sa aking habang nageedit ako ng short film presentation ng aming grupo. Nakita ko kasi ang isang larawan ko na gumaganap bilang si Pepe habang may hawak na “Cellphone.”

Bunga ng malikot na imahinasyon, ating alamin kung paano nga ba kung sa henerasyon natin nabuhay ang ating pambansang bayani, Gat Jose Rizal.




1. Sikat na Manunulat – Walang duda, kahit noong henerasyon nila ay isang sikat na manunulat itong si Pepe. Isa nga sa pangunahing dahilan kung bakit mainit ang dugo ng mga kastila sa kanya ay dahil sa mga isinulat niya patungkol sa pang aabuso ng mga dayuhan sa ating sariling lupa.

Kung ngayon sya nabuhay, malamang ay madami na siyang aklat na naisulat. Nagkalat ito sa mga book store at inaalikabok na.


2. Movie Producer – Kung gagawaing pelikula ang mga nobela nyang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”, tyak na magiging blockbuster lamang ito kung ipapa project ng ating mga professor.

Kung wala sa batas natin na magkaroon ng subject na “Life and Works of  Jose Rizal” malamang, “Hu U” sya sa madaming kabataan.


3. Aktibista/Kritiko – Malamang naka exile sya sa “The Netherlands” ngayon habang patuloy na nagsusulat tungkol sa mga nakikita niyang pang aabuso ng “Sarili” nating gobyerno.

Maari ding pinaha hunting na sya ng mga nakakabasa nito.

Malamang, may groupo na ding ibinuo o nabuo na ayon sa mga ipinaglalaban niya.

Malamang, kahit saan ka umikot ngayon, may nakapaskil na mukha niya na “Wanted sa salang pagiging Kritiko”

Malamang parati syang binabash sa social media na “Bayaran”

Baka may mabuo pang group sa facebook na “Anti Rizal Kami, Bayaran!”

Malamang kalaban na sya ng estado. Malamang





4. Milyonaryo – Mahirap paniwalaan na sa kabila ng kanyang pagiging henyo, sikat, at pagiging dalubhasa sa madaming larangan ay nanalo pa sya sa loterya.

Parang noong nag hagis ng swerte sa buong mundo ay tulog silang lahat kaya ikaw ang sumalo.

Pero walang halong biro, nakakulong sya noon sa Dapitan, isang liblib na kumunidad na napapaligiran ng masukal na kagubatan, malayo sa maliwanag at buhay na syudad na kanyang nakasanayan.

Taong 1892 ng manalo si Pepe, Kapitan Carnicero at Francisco Equilor ng halagang 20,000 (Hindi biro ang halagang iyon noon).

Taliwas naman sa mga ginagawa ng mga nananalo sa loterya ngayon, ginamit ni Pepe ang parte niyang nagkakahalaga ng 6,000 para sa pag kakawang gawa. Nagpatayo siya ng maliit na dam kung saan makakakuha ang mga residente ng malinis na tubig, patubig para sa magsasaka, eskwelahan, at ospital. Buti pa si Pepe, naiisip nyang mag patayo ng

Kung ngayon kaya siya nanalo sa loterya? Baka madami ang sumulsol sa kanya na pumasok sa politika? Pero ang sigurado ay tyak ang panalo nya kung tatakbo siyang alcalde. (Hehehe)


5. Celebrity Doc– Walang duda na ang husay niya sa larangan ng medisina ay kahanga hanga. Isang patunay nito ang pagpapagaling nya sa kanyang ina. Sa totoo lang, ang kanyang ermat naman talaga ang dahilan kung bakit sya kumuha ng kursong medisina. Unti unti na kasing nanlalabo ang mata nito.

Isa pang patunay nito ay nang makarating balita ng kanyang kahusayan sa hongkong kung saan nakatira si “Josephine Bracken” ang babaeng sinasabing pinakasalan daw di umano ni Pepe bago siya patayin sa Bagumbayan. Si Josephine ay isang Irish Girl na ipinanganak sa Hongkong. Ang tumayo namang ama nito na si George Taufer ay isang bulag na kung saan saan na nagpatingin.

Kung ngayon nabuhay si Pepe? Baka mayroon na syang sariling TV show kung saan nagbibigay sya ng impormasyon at mga payo patungkol sa kalusugan. Baka madami na din syang advertiser sa dami ba naman ng food supplement sa merkado.

Baka sakaling dumayo pa ang buong mundo dito sa Pinas upang magpagamot.


6. World’s Geniuses -  Walang duda, kung ngayon nabuhay si Pepe, isa sya sa mga World Geniuses na nakalista sa Guinness Book of World Record. Saan ka nga ba makakakita ng isang henyo doktor, sikat na manunulat, antropologo, botanist, kartograpo, dramatista, ekonomista, guro, engineer, mananaysay, entomologist, ethnologist, magsasaka, geographer, lingguwista, musikero, nobelista, pintor, makata , pilosopo, iskultor, sociologist at madami pang iba.

Biro nga ng iba ay kung ngayon sya nabuhay, ay isa na din syang “Travel Blogger” sa dami ng mga bansang napuntahan nya.


7. Politician – Walang halong biro, kung tatakbo syang presidente ng Pilipinas, sya ang iboboto ko. Malamang ma “re-elect” pa sya.

Kung babalikan natin ang mga nagawa nya sa dapitan, ay aakalain mong proyekto ng gobyerno. Sa pananaw ng ibang eksperto ay kung binigyan si Gat Jose ng pagkakataong makapaglingkod sa gobyerno, ay mas marami siyang seryosong nagawa at naiambag na hindi kalian man kayang gawain ng mga kasalukuyang politoko.




8. Product Endorser – Kung mag eendorse si Pepe ng produkto ngayon, malamang pinag agawan na sya ng mga malalaking kumpanya na nagbebenta ng Laptop, Desktop at Keyboard at hindi ng mga sikat na pen manufacturer gaya ng Faber Castle, Parker, Pentel at Pilot (Hindi na kasi pen ang ginagamit ng mga modernong manunulat ngayon.)

Malamang, hindi na din mabenta ang mga aklat na isusulat nya kung hindi ito ipapa project sa mga eskwelahan. Malamang hindi na sa libro ililimbag, uso na kasi ang mga digital copy gaya ng PDF.

9. Great Personality – Kung sa henerasyon natin nabuhay si Pepe, malamang nasaksihan natin kung paano sya nagging isang mabuting asawa at ama.

Kung babasahin mo at pag aaralan mo ang buhay niya ay mapapaisip ka kung paano nga ba sya maging asawa o maging ama. Paano nga ba mag desiplina?

Kung sya siguro ang magiging guro ng mga bata ay marami ang magpapahalaga sa edukasyon. Sa lakas ng impluwensya nya, marami sanang estudyante ang magdadalawang isip bago sila mag walwal. Marami sana ang nakakapag tapos sa kolehiyo. Marami sana ang sumunod sa yapak nya.

Kung naging life at family coach naman siguro sya, wala sanang mga magulang na anak ng anak gayong wala naming hanap buhay. Kaunti lang sana ang tamad na Pilipino; yung mas gustong mang bash sa facebook at twitter kaysa maghanap buhay. Kaonti lang sana ang nagugutom. Wala sanang nagkalat na mga bata sa kalye upang mamalimos.

Kung ngayon sya nabuhay, buhay na buhay sana ang espirito ng pagiging Pilipino, hindi sana ikinakahiya ng mga sumikat na personalidad na silay may dugong Pinoy. Maaring ang mga kabataan ay may pakialam sa mga isyo ng lipunan. At dahil buhay na buhay ang pagiging Pilipino, hindi sana tayo papayag na lupigin ng ibang bansa.


Hindi po layunin ng opinyong ito na gawing katatawanan ang talambuhay ng ating pambansang bayani. Ito ay isa lamang pagkukumpara kung ano nga bang maaring mangyari kung sa henerasyon natin nabuhay ang ating pambansang bayani na bunga lamang ng isang mapaglarong imahinasyon; upang mag isip tayo kung nasayang lang ba ang mga naumpisahang ipinaglalaban at pagbubuwis ng buhay ng ating mga bayani?

Nasaan na ng aba tayo ngayon? Ang mga nangyayari ba sa kasalukuyan ay ang ninais o minsan bang sumagi sa isip nila noon?










Help Us Grow by Sharing This Page