Utak Talangka

Mga Hindi Magandang Katangian, Kultura, Gawain at Pag-uugali, ng mga Pilipino na Kinakailangan nang Mawala at Baguhin






Utak Talangka

Utak Talangka - Salitang nanggaling sa Lamang Dagat na ang ibig sabihin ay pag-uugali ng isang tao na mas nanaaisin pang pareparehas na bumagsak kaysa makaangat ang isa.

Eh bakit nga ba talangka?
Noong aking kabataan, nakakita ako ng mga talangka na nakalagay sa isang balde sa loob ng aming bahay. Marami sa kanila ay nagsusumikap na gumapang paangat habang ang mga naiwan sa ibaba ay pilit na kumakapit sa mga kasamahang nakakaangat na, syempre upang umangat din sila. Subalit sa aking pagmamasid, napansin ko na pare-parehas lamang silang nahuhulog sa ibaba.

Isang sitwasyon ng pag-uugaling ito ang aking bibigyan ng halimbawa.

Nang akoy nag OJT, madami kami ng aking mga kamag-aral ang ipinadala sa iisang tanggapn lamang. Noong unang araw ng pasukan, sabi nila "guys sabay sabay na tayong pumasok. Walang mang iiwan ha?"

For the sake of Pakikisama, ninais ko din na sumabay - kaso; naglaro sa isipan ko na unang araw nga pala ito at "I need to make a very good first impressions" sa boss ko kaya nag decide ako na mauna na. Ayaw ko kasing ma-late. Pakiramdam ko kasi, hindi sila aalis sa #tagpuan hanggat hindi sila kumpleto.

Naulit na naman ito noong uwian na. At muli, for the sake of #pakikisama, gusto ko din sumabay sa #tropa pero for the sake of being #practical, inisip ko yung mga kailangan ko pang gawin sa pag-uwi. Kailangan kong mag-hanap buhay at infairness, mas malayo ang uuwian ko kaysa sa kanila. Nagdecide ulit ako na umuwi na at hindi na sila hintayin
Hindi din kasi sila aalis ng hindi sabay sabay kahit na siksikan sa Jeep at kung may bakante man, isa o dalawa lamang.

Hindi ko ineexpect na nagtatampo na pala sila kasi iniiwanan ko sila sa pag-pasok at pag uwi. At ang isa pa sa kinagulat ko ay nang sinabi ng isa sa kanila na "kahit na malate tayong lahat basta sama-sama."

Napaka simple pero isang magandang halimbawa ng paguugaling Talangka.







Isa pang halimbawa ng paguugali na ito ay nakita ko sa mga kalaban ko sa negosyo.

Kauumpisa ko pa lamang at halos wala pa akong mga customer. Maliit lamang ang aking pwesto at kakaonti lang ang laman nito. 

Sa pagkakaalam ko ay may karapatan akong mag desisyon kung magkano ang presyo ng aking mga produkto at serbisyo subalit ikinagulat ko nang sitahin ako ng harapan ng aking kalaban kaugnay nito.

Pinuntahan nya ako sa aking tindahan at tinanong kung sino ang may ari nito. Halos hindi sya makapaniwala sa sagot ko sapagkat estudyante pa lamang ako noon at naka-uniform ako noong mga oras na iyon.
Sinabihan nya ako na kung pwede daw ay wag ko agawin ang mga customer nila. Wag daw ako swapang kasi baguhan pa lamang ako. Wala pa daw akong alam sa mundo at kaya daw akong pagtulungang alisin doon.

Inis na inis ako sa narinig ko at ang bugso ng damdamin ko ay ninanais na sagut-sagutin sya subalit mas pinairal ko ang prinsipyo ng respeto (kahit papaano) sapagkat may pinag-aralan ako.





Bago ako matulog ng gabing yaon initanong ko sa aking sarili. 

Swapang nga ba ako?
Eh di bat hindi naman ako nang-aagaw ng cutomer? Sa pagkakatanda ko ay customer ang lumalapit sa akin.
Utak talangka nga ba ako? O mas competetive lang ako mag-isip kaysa sa kanila?
Hindi bat sabi nya ay Baguhan lang ako? Sa pag-kakaalam ko ay barya barya pa lamang ang kinikita ko kumpara sa kinikita nila.



Tama na muna ang #drama. May isa pang #Talangka ang lumapit sa akin .
"Iho bakit ganyan ka mura ang produkto mo? Manloloko ka siguro nuh?"




Abay sinagot ko sya na " mura po ang kuha ko sa Raws ko. At isa pa, kung itatanong po ba ninyo sa manloloko kung manloloko sila, sa tingin mo aamin sya sayo?"

Hindi pa po nakontento ang ating certified #Talangka sapagkat ang sabi nya ay;

"Saan ka kumukuha? Saka anong machine ang gamit mo? Patingin nga!. Magmula kasi nung nagbukas ka, ang laki na ng nalugi ko."

Nagpumilit pa si manang na pumasok sa tindahan ko at ako naman ay pilit na humaharang sa pinto.

Matatawag na po ba nating #Harassement ito?

Eh kung gumawa kaya tayo ng checklist ng mga katangian ng taong mahilig sa #Crab, este nagtataglay ng #UtakTalangka?

1. Makasarili - Sya lang ang famous at ang may karapatang umunlad.
2. Nangha-Harass - Tatakutin ka para sumunod sa gusto nila.
3. "Di makatulog sa gabi sa kai-isip, sa diwa nya ako ang laging Panaginip"
4. Lumalabas ang pagiging "Masikap" at "Creative" sa paghahanap ng paraan upang ikaw ay siraan.

Okay. Narito na tayo sa #KrustyKrab. Eh anong gamot po kaya ang pwedeng inumin para hindi tayo tablan ng #CrabyMentalityVirus­?

Dahil hindi naman natin hawak ang pag-iisip ng bawat isa at lahat tayo ang binigyan ng kalayaan na mag desisyon, hindi natin kayang gamutin ang sakit ng pagiging Sakim. Ngunit anong gamot ang kailangan natin upang hind tayo maapektuhan ng lubos ng mga nagkalat na Certified Crab.

1. Ignoricirine - Heto na ang the best medicine. Hayaan mo sila na mapagod sa pang-aasar sayo. Mas masaya kung sila pa ang mapipikon dahil hindi mo pinapansin ang mga banat nila. Kumbaga, parang walang nakikinig sa mga sinasabi nila. At the end of the day, hindi na madadagdagan ang chance mo na magkasakit sa puso, ikaw pa ang panalo. 




Ito po si kuya Josh na naniniwalang "Hindi na natin kailangang maging PhD graduate para maunawaan ang mga bagay na ito. Kaunting sintido kumon lang kaibigan."



COMMENT
Join the discussion - No Registration required












Post Anonymously - No Need To Register




Article Author: Josh Salcedo
Date Published: January 6, 2019
Last Update:



Post your own article. Its Free and no Registration required
Share your articles, news and opinions. Expose your name or express anonymously.

Why Us?
First of all, it is free and doesn’t required you to register and keep your account details to login again. You can post your Articles or create a blog by just filling-up the form providing the details we needed.

Hosting your own blog may cost you services such as web hosting plan, some sort of software such as website builder, buying domains, paying for extra professional services such as S.E.O. tools, and many more. But the biggest problem of bloggers around the world is how they advertise and create traffic to their blog.

We have a vey simple goal to deliver useful information around the web.
So, if you don’t want to be a professional blogger but having such passion in writing and willing to share your content around the web, you arrived in the right place.


More Option
Update your Content
Delete your Content
Report Abuse, Phishing, Spam or Threat or Illegal, Copyright Infringed Articles







Help Us Grow by Sharing This Page