Isla Santa Lucia

By: Josh Salcedo



Isla Santa Lucia

Ang lahat ng mga lugar, pangalan at pangyayari na mababangit sa istoryang ito ay hindi hango sa totoong buhay at pawang kathang isip lamang.




Abot langit ang ligaya ni Freddie nang makita niya si Tracy na dumating sa kanilang tagpuan.

Freddie: Akala ko hindi ka na dadating.
Tracy: Pwede ba yun?
Freddie: Madaming beses na nangyari sakin yan. Hindi ako sinipot ng mga niyaya ko mag date ko.

Tracy: Grabe ka naman sakin Fredd!

Freddie: Hindi lang talaga ako makapaniwala Tracy

Tracy: Na ano?

Freddie: Nananaginip ba ako?

Tracy: Hindi ko alam kung anong sinasabi mo Fredd! (Naguguluhang tanong)

Freddie: Tracy, alam kong hindi ako katulad ng ibang lalaki sa tabi-tabi. Hindi ako ka-gwapuhan, hindi ako maporma. Walang wala ako sa mga itsura nila - wala akong ibubuga. Pero ang kaya ko lang ipangako sayo, na kaya kong ipag-malaki - ay ang hindi ka iwan hanggang sa huling sandali ng buhay ko.

Tracy: Fredd! 

Freddie: Tracy, gusto kita!

Tracy: (Nagulat) Fredd! (Ngingiti)

Freddie: Parang nananaginip ako. Kung maba-busted mo lang ako, sana panaginip lang talaga ito.

Tracy: Hindi Fredd! Hindi ka nananaginip.

Freddie: (Magugulat) Ha? So, tayo na?

Tracy: Ambilis mo naman! Hindi ka naman nanligaw pero gusto mo'ng sagutin kita?

Freddie: Hayyyss. Nananaginip nga lang talaga ako.

Tracy: Bakit ayaw mo ba Fredd?

Freddie: Hala!! Hindi!. Hindi naman sa ganun. Hindi lang talaga ako makapaniwala (Tatalikod kay Tracy)


Kiss

At hinila ni Tracy si Fredd. Nagtitigan ang dalawa at dahan-dahang naglapit ang mga labi. Papalapit ng papalapit, ng papalapit,.......

Freddie: (Teka lang, malapit na. Totoo ba ito? Maghahalikan ba talaga kami? Kinakabahan ako. Hindi ako marunong humalik.... Paano to?!.......

Kaunti na lamang ay maglalapat na ang kanilang mga labi nang may isang tining ang umalingaw-ngaw sa paligid.

Tinig: Fredd! Alas 8 na. Aalis na tayo.

Freddie: Teka. Ano? (Lilingon sa kaliwa at kanan) Hindi..... Hindi....... Hindi..............

Tinig: Huy!

Freddie: (Ididilat ang mga mata. Babangon at isisigaw) Hindi!!!!!..........

At lumingon si Fredd sa kaliwa at kanan. 

Freddie: (Kwarto. Kwarto ko ito. Nanaginip lang talaga ako)

Marissa: Alas 8 na Fredd. Akala ko ba pupuntahan natin yung Teacher mo?

Freddie: Oo na ma. Babangon na. 

Marissa: Tanghali na bilisan mo! (Lalabas sa kwarto)

Freddie: Hahaha. Panaginip nga lang talaga. Great Day!... (Masayang sabi nya sa sarili)




Clock

Bumaling ng tingin si Fredd sa kanyang orasan.

Freddie: (Naasar nyang sasabihin) Hindi pa naman alas 8 ah!!!!!! Si mama talaga!...... 

At muling humiga si Fredd sa kanyang kama


Sleeping

Narrator: Yan ang buhay ko. Ang ganda ng kwento ay nagsisimula sa isang romantikong panaginip. Panaginip na hindi kapani-paniwala pero pinipilit kong paniwalaan dahil sa desperado na akong magkaraoon ng nobya. Napaka-babaw ng dahilan pero ito ay isang malaking kaligayahan para sa tulad ko na ang kulay ng buhay ay unti-unting nawawalan ng saysay.

Napaka bata ko pa para isipin ang mga bagay na ito. Kung tutuusin nga daw ay halos wala pa akong muwang sa mundong ginagalawan ko. Hindi ko pa daw halos alam ang lahat ng ginagawa ko. Malayo pa nga ang lalakbayin ko para sa ilan, subalit kung ako ang tatanungin,  malayo layo na ang aking nalalaman. Oo nga't bata pa lamang ako, walang ibang alam tungkol sa mundo. Walang makikinig sa sasabihin ko. Walang magtatyagang maniwala sa mga bagay na ipapaliwanag ko - sapagkat bata pa lamang ako at mababa ang kredibilidad. Normal lang naman siguro ito sapagkat bata pa lamang ako - pero sino nga ba ang mas nakakakilala sa akin? Ang ibang tao na naka-paligid o ako? Ako na ako?

Ako si Freddie. Tinatawag nila akong Fredd. Mas mabilis ninyo akong makikilala sa mga katangian kong payat, lampa, at iba pang tukso sa akin noong kabataan ko.

Parati akong nabubuli sa eskwelahan at palagi ding nagsusumbong sa aking magulang. Lalaki nga ba ako? Bakit hindi ko sila magawang labanan? Ayoko lang siguro ng gulo at ayokong lumaki ako na basagulero.Okay lang yan. Naniniwala naman ako na balang araw, makakabawi din naman ako sa kanila - sa ibang paraan nga lang..

Second Year High School na ako ngayon subalit halos isang buwan na akong hindi pumapasok. Hindi ko alam kung masisiraan na ako ng ulo. Mababaw para sa ilan ang dahilan ko subalit ang katwiran ko naman ay hindi sila ang nasa kalagayan ko.

Takip silim, 5:30 at madilim na sa madaming lugar ng aming paaralan. Nagpaalam ako sa aking guro upang mag-banyo. Napaka-dilim sa lugar na iyon sapagkat pundido na ang mga bumbilya. Noong una ay may nakita akong lalaki na naka-tambay sa pintuan ng palikuran. Pumasok ako at nakita ko ang dalawa pang lalaki sa loob nito. Laking gulat ko ng makita na silang naninigarilyo sa loob ng palikuran ng paaralan ngunit minabuti kong huwag na silang tignan.

Lalaki 1: Bilisan mo baka may dumating.. (Iaabot ang isang matabang bagay na umuusok)

Lalaki 2: Pare si sir Jorge!!!!

Lalaki 3: (Itinapon ang matabang bagay na umuusok sa basurahan)

Lalaki 2: Tara na

Tumakbo sa magkaka-ibang direksyon ang tatlo ng makita nila ang guro na papalapit sa banyo.

Nilapitan ko ang umuusok na bagay at sa aking pagkaka-unawa ay hindi ito simpleng  sigarilyo. Nakabalot ito ng papel at sing-taba ng piso. Ang haba nito ay isang dangkal at hindi ito kasing amoy ng mga sigarilyong nabibili sa tindahan. Hinala ko noong mga oras na iyon ay isa itong Mariwana. 

At pumasok ang guro na si sir Jorge sa banyo.

Jorge: Ang dilim naman dito.

Fredd: (Nagulat) AY.! Sir, good eve po.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Amoy na amoy pa ang hinihinala kong mariwana umuusok pa din ito.

Fredd: (Anong gagawin ko? Pagbibintangan ako nito. Ako lang ang tao sa lugar na ito. Ayokong makulong. Anong gagawin ko? Tatakbo ako. Tama! Tatakbo ako. Hindi naman nya ako kilala.)

Jorge: Ang baho naman dito.



To be continue....




See All Comments Here









Article Author: Josh Salcedo
Date Published: September 2, 2018
Last Update:

Post your own article. Its Free and no Registration required





Help Us Grow by Sharing This Page