Guro - Hindi naman daw siguro karapat dapat na tawaging bayani? - Ating Alamin - Mike Opinion 







"Aking guro, aking bayani"
"Guro kong bayani"
"My teacher my hero"

Sabi nga nila bayani ang mga guro. Kung hindi nga naman dahil sa kanila, walang professionals sa kahit saang bahagi ka ng mundo tumingin.
Kung walang magtuturo, natural na walang mga professionals kahit saan.
Pero bakit natin kailangang ipagsigawan na Hero sila?

Di bat ang ibig sabihin ng bayani ay pagsasakripisyo ng isang malaking bagay (gaya ngsariling buhay) para sa kapakinabangan ng karamihan?
Isaisahin natin

Kung bayani nga ba ang mga guro, ano nga bang ibinibigay nila? Kaalaman di ba? Kaalaman na magagamit ng karamihan para ikauunlad ng sarili. Minsan, Kalokohan (isa sa mga dahilan kung bakit nagiging masaya ang highschool life)
Minsan naman, maling impormasyon.
May teacher ako nung highschool na masyadong magaling sa itinuturo (hindi naman accurate yung tinuturo nya base sa mga aklat.
May professor naman ako nung college na masyadong biased. Kaalaman dapat ang ibinibigay hindi sariling kwento lalo na sa history. Ang history ng pilipinas ay unti unting napapalitan ng dahil sa politika.
Ang kasaysayan po ay base sa mga katotohanang nangyari at isinulat ng mga historyador na nabuhay at naranasan ang mga bagay na isinukat nya, nailimbag sa mga aklat at sinangayunan ng iba pang historyador; hindi ito nanggaling sa sariling opinyon at dapat may basihan. At higit sa lahat hindi tinatalakay kung hindi naman yun amg subject!

Ngayong graduate na ko, katrabaho ko na ang mga teacher ko dati. Narinig ko sa isa kong ka office mate, "mali na naman yung requirements na ipinasa nila. Kapag estudyante amg nagpasa ng mali ibinabalibag nila. Kapag sila ang pinagpapasa ng mga requirements pamali mali sila."

Nasaan ang sakripisyo nila? Sabi nila noomg nag aaral pa lang ako, malaki sakripisyo nila sa oras dahil sobrang kulang daw ang oras nila. Ngayong katrabaho ko na sila, nalaman ko na yung mga oras na libre sila (yung akala ng mga estudyante eh walang ginagawa) nalaman ko na sakto lang din naman pala yung mga oras na nilaan para sa mga guro. Siguro kailangan lang mag provide ng DEPEd ng seminar para sa time management para magamit ng mga guro yung oras ng mas efficient.
Pero taliwas sa alam ng mga hindi nakakaalam, bayad (paid) naman ang oras na nilalaan sa mga oras para sa iba pang gawain (sa pinapasukan kong school, binabayaran kami ng 4 hours per week for other activities

So hindi maganda nasabihin ng ilan na nagsasakripisyo sila ng oras sapagkat binabayaran naman sa kanila ang oras na sinasabi nila.

Paano ko matatawag na bayani ang guro ko noong elementary pa lamang ako kung sya mismo ang number 1 nambubully sa akin?
Matatawag ko bang bayani sya kung halos sampung beses nya kami iniwan sa classroom na nakakandado (padlock) ang pinto? (Baka daw umuwi kami ng maaga)
What if nagkasunog? Bayani po ba syang maituturing?

Yung isa ko pang teacher nung elementary days ko na pinipingot ako kapag hindi ako nakakabili ng candy na tinda nya.
Matatawag ko ba syang hero?

Kung hero ang mga guro dahil nagsasakripisyo sila ng oras di umano, e dapat din tawaging bayani ang iba pang propesyon.

Dapat ding tawaging hero ang mga Public Vehicle Drivers dahil sila ang dahilan ng maayos at ligtas na byahe natin araw araw.

Dapat din na tawaging bayani ang mga artista kasi pinapasaya nila ang mga tao lalong lalo na ang mga depressed.

Dapat din sigurong ituring na mga bayani ang mga tindera ng tindahan dahil ginagawa nilang available ang mga bagay na kailangan natin.

Siguro dapat ding bigyang pugay ang mga minero ng mineral at metal sapagkat kung wala sila, walang modernong teknolohiya ang mundo.

Dapat ituring din nating mga bayani ang mga piloto, kapitan, ang presidente, mga abogado, mga politiko, doktor, mga kolumnista at iba pang propesyon.

Dapat meron ding national public drivers day, doctors day, miners day at dapat walang pasok dahil holiday.


Unfair para sa iba? Gawin na lang nating HERO lahat ng uri ng propesyon sa ibat ibang industriya, larangan at trabaho.
Araw araw na may national holidays. Araw araw na lang walang pasok.

Madami siguro sa mga guro na makakabasa ng blog ko na ito ang magagalit. Panawagan ko lang po ay buksan natin ang mga isip natin bago tayo magbigay ng masamang kumento.

Pero hindi ko naman nilalahat kasi madaming guro ang nagpabago ng buhay ko at isa pa, isa din akong guro.

Opinyon lang po. Ikaw? Anong say mo?




See All Comments Here









Article Author: Mike Opinion
Date Published: October 4, 2018
Last Update:

Post your own article. Its Free and no Registration required





Help Us Grow by Sharing This Page